ADVENTURERAS: S&R September 2013 Member’s Treat

Yesterday, nalambing na naman namin si Papa G na isama kami sa S&R. The initial plan kasi of Mama G is sila lang ni Papa G ang magshoshop sa last day ng sale ng S&R dahil marami raw kasing tao and mahirap kasama ang mga kulilits dahil sobrang malilikot na. So sabi ko, magpapabili na lang ako ng 4 bags ng Bio Zip detergent powder and buy 1 take 1 na Listerine dahil yun lang naman ang kailangan ko. Pero nung nagdinner kami nung Saturday, hindi natiis ni Papa G ang mga apo niya kaya kasama na raw kami. Hehe.

After our 11:00am service at VCF, we went straight to S&R. We had our lunch there na rin. Magkakasama kami lahat pati yung brother ko and his GF. Then after eating, umalis na rin kaagad si hubby because he needs to bring the car to the gasoline station for change oil and he needs to go rounds pa.

Para kamong end of the world na sa dami ng tao and haba ng pila sa S&R. Kaya ang naging siste namin is si Papa G na lang ang nagtiyaga sa pila while all of us went around to shop. I asked Papa G kung gusto niyang mag-ikot, hindi na raw sa pila na lang daw siya. Kung ano na lang daw ang makita niya along the way na type niya, yun na lang daw ang dadamputin niya. Kawawa naman si Papa G ano? Tagapila na, financier pa! Hehe.

After almost 3 hours, nasa counter na rin kami sa wakas. Pagdating sa counter…

Papa G: Aba, parang ang konti lang ata ng babayaran ko ngayon?

Me: Gusto mo po dagdagan daddy? Gusto mo po idamay mo na yung mga sabon ko and mouthwash?

Papa G: Deadma

Me: Ano po dad, sasama mo na rin ba yung sa akin?

Papa G: Sige na nga.

In short, nalibre ulit ako ni daddy. Yung sa mga Kulilits kasi, automatic na siya ang magbabayad eh. Hehehe.

Here is Papa G very happy spending for us…

Here are the items that Papa G bought. Karamihan pang-giveaway na niya sa Christmas and sangkatutak na Bio Zip detergent powder…

And here are our shopping loots…

Konti lang naman eh. Kung ano lang naman talaga ang kailangan namin yun lang ang dinampot ko. Ang the best purchase for the Kulilits here is the Step 2 Sketch & Store Easel. Remember, I’m wishing before na sana magkaroon sila ng ┬áin preparation for their homeschool? At least this one is cheaper kasi yung Crayola is around P4k ata as far as I remember. =)

How about you? Nakigulo din ba kayo sa S&R Member’s Treat?

Leave a Reply

Your email address will not be published.